Aug 19, 2019

Ang Chairman ng AT Global Markets (UK) Limited (ATFX) na si Mr. Joe Li ay inimbitahan bilang isa sa mga panelista sa iFX EXPO Asia, isang event na isinagawa sa Hong Kong noong January 23-25, 2018.

May limang mga propesyonal na panelista na imbitahan para ipamahagi ang kanilang mga saloobin tungkol sa paksang “Chinese IBs, Global Brokers: Making Partnerships Work” noong January 25, 2018. Ang mga panelista, na mga nangungunang eksperto sa industriya, ay tumalakay ng mga mahahalagang paksa mula sa pangpinansyal at trading na sektor sa Asya. Ilan sa mga pinakamahahalagang isyu na may kinalaman sa China na tinalakay ng mga panelista ay ang paksa gaya ng kung bakit pinipili ng mga internasyonal na brokers na magtrabaho kasama ng mga partners sa bansa at ang pababago-bagong aspeto nito. Ang mga lokal na IBs ay may mahalagang papel sa market, ngunit minsan mahirap din ito para sa magkabilang parte. Nakapag-hikayat ito ng higit sa 100 na industriyal na eksperto na dumalo sa forum.

Si Mr. Li ay may napakalawak na karanasan sa mga forex markets sa buong mundo, dahil napanghawakan na niya ang iba’t-ibang mga matataas na posisyon at mga FX brokerage sa buong mundo. Mayroon din siyang malawak na karanasan sa institutional sales at business development sa Rehiyon ng Asya-Pasipiko. Sa iFX EXPO, ipinaliwanag ni Mr. Li ang papel ng mga brokers sa buong mundo at pamamahala ng mga partnerships sa industriya. Isang magandang oportunidad para talakayin ang kalakasan, pilosopiya at etika ng ATFX, habang ibinabahagi ang aming saloobin na nakuha ng kumpanya sa mga markets sa Asya.

Habang isinasagawa ang forum, ibinahagi ng mga tagapagsalita sa mga IBs at lokal na eksperto ang mga sikreto sa tagumpay, pati na mga payo sa paghahanap ng mga tamang partners at pagpapanatili ng malusog at matagalang pakikipag-sosyo. Nagmungkahi ang mga eksperto ng mga paraan para iwasan ang mga masasamang karanasan at mga hakbang kung paano matutugan ang mga ganitong kaso. Nagmungkahi din sila ng mga solusyon sa mga brokers para tulungan silang kunin ang tiwala sa pabago-bagong market sa Asya at kung paano nila makikita ang pagkakaiba ng mga tunay na partners mula sa mga hindi karapat-dapat.

Ang iFX EXPO Asia, isang taunang kaganapan na sinimulan noong 2012, ay ang una at pinakamalaking pangpinansyal na B2B expo sa buong mundo. May higit 30,000 dumalo at mahigit 1,000 na tagapagbigay-serbisyo, ang pangyayaring ito ay nakapag-tipon sa ilan sa mga pinakamahuhusay sa industriya para magbigay ng saloobin sa kasalukuyang estado sa pangpinansyal at trading na sektor sa Asya. Ang mga dumalo ay nagkaroon ng mahusay na karanasan sa expo, mula sa mga pinakabagong impormasyon hanggang sa oportunidad para makipag-salamuha.

Read More

ATFX Awarded Best Forex CFDs Broker by UK Forex Awards 2018
ATFX GROWTH ACCELERATES WITH NEW OFFICE LAUNCH IN THE AE
Ini-sponsor ng ATFX ang Finance Magnates London Summit’ 17
ATFX’s Sponsorship of the Duke of Edinburgh Cup, Qualifying Competitions on August 30
ATFX accelerates growth with new office launch in Thailand
ATFX Makes a Successful Debut at Thailand iFinexpo