Aug 19, 2019

Isang patunay sa aming dedikasyon at tiyaga kapag may mga kilalang publikasyon na nagpapakita ng aming tagumpay at ipinapakita kung paano ito makakamit sa mundo ng pangpinansyal na pag-trade. Kaya naman, maiisip mo kung gaano kami kasabik noong mailathala ang aming CEO na si Richard Craddock sa pinakabagong Trading Strategies Supplement ng The Times, sa isang artikulo na nakatuon sa kahalagahan ng pag-serbisyo sa kliyente.

Ang ATFX ay kilala na dahil sa hindi mapapantayang customer support. Sinabi sa artikulo sa The Times na dahil sa matinding kumpetisyon sa mga pangpinansyal na markets, ang tanging paraan para lumago at kumita ay sa pamamagitan ng mga serbisyo na nakatuon sa kliyente. Kami, sa ATFX, ay naniniwala sa pilosopiyang ito, at nilalagay namin ang mga pangangailangan ng aming mga kliyente higit pa sa alinmang bagay, sa pamamagitan ng personal na serbisyo at pagtuon sa kasiyahan ng kliyente. At ang pagkilala nito ng The Times ay isa sa mga pinakamakabuluhang gantimpala.

Inilathala ng Trading Strategies Supplement ng The Times ang sinabi ni Mr. Richard Craddock na, “Nais naming manguna sa kasiyahan ng kliyente, at gagawin namin ito sa pamamagitan ng mga batikang propesyonal na may malalim na pagkakaintindi at kaalaman sa kung ano ang kagustuhan ng aming mga kliyente.” Sinabi din ng aming CEO ang mga pangunahing aspeto ng aming serbisyo sa kliyente ay ang dedikasyon ng ATFX na magbigay ng lokal na customer support, sa pamamagitan ng mga empleyado na nakakapagsalita sa mga kliyente ng kanilang lenggwahe o wika kung saan pinaka-kumportable ang kliyente.

Sa ATFX, naiintindihan namin na hindi lamang umusad nang husto ang teknolohiya, pero pati ang mga kliyente din. Kaya naman lagi silang naghahanap ng mga trading portals at serbisyo na malinaw at makabago. Napakataas ang mga inaasahan ng kliyente, at ang tanging paraan para magkaroon ng balanse na matugunan sila ay ang magbigay ng pinakabagong teknolohiya habang nagbibigay ng personal na suporta. Ito ang dahilan kung bakit sinisiguro namin ang ligtas at maaasahang trading platform, na may serbisyo sa kliyente na tapat at may integridad. Ito ay nakakatulong para hindi lamang namin mabigay ang pinakamahusay na karanasan sa pag-trade online, ngunit para makuha din ang tiwala ng aming mga kliyente.

Habang ipinapaliwanag lahat ng ito, sinabi ng CEO na si Richard Craddock sa The Times, “Dati, ang mga pinakamatagumpay sa sales ay ang may pinakamahusay na pakikipag-ugnayan sa mga kliyente at nagbago ito mula sa personal na pakikipag-ugnayan hanggang sa telepono. Wala na ang industriyang ito ngayon, ngunit mahalaga pa din na huwag kalimutan ang personal na aspeto dahil ito ang nagtatatag ng tapat at matagalang relasyon.”

Sa katunayan, nagsagawa ang aming pangkat ng isa pang hakbang. Mabuti naming iniintindi ang estilo at kagustuhan ng aming mga indibidwal na kliyente kapag nagti-trade, kaya naman nakakagawa kami ng suporta para tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito din ang dahilan kung bakit pinili naming ibigay ang pinakatanyag na trading platform, ang MetaTrader, hindi lamang sa web, ngunit pati na din sa mobile.

Gusto din naming magkaroon ang mga kliyente ng lahat ng impormasyon na kailangan nila at maintindihan ang kanilang mga napiling trading instruments para makapagsagawa ng mga tamang desisyon. Tulad ng binanggit ng The Times na sinabi ng CEO na si Craddock, “Napakahalagang siguruhin na alam ng mga tao ang kanilang ginagawa. Hindi mo maaaring bigyan ang sinuman ng produkto na hindi nila naiintindihan, at sa tingin ko sa pamamagitan ng edukasyon, diskusyon at pagiging tapat makakagawa kami ng mas mahusay na industriya sa pangkalahatan.”

Ang artikulo sa pinakabagong Trading Strategies Supplement ng The Times ay isang patunay para ipagpatuloy namin ang aming husay.

Read More

ATFX Awarded Best Forex CFDs Broker by UK Forex Awards 2018
ATFX GROWTH ACCELERATES WITH NEW OFFICE LAUNCH IN THE AE
Ini-sponsor ng ATFX ang Finance Magnates London Summit’ 17
ATFX’s Sponsorship of the Duke of Edinburgh Cup, Qualifying Competitions on August 30
ATFX accelerates growth with new office launch in Thailand
ATFX Makes a Successful Debut at Thailand iFinexpo