Aug 19, 2019

Inimbitahan ang ATFX para sumali sa listahan ng mga prestihiyosong sponsor sa Finance Show 2017. Ang Finance Show 2017 ay ang kauna-unahang serye na isinagawa noong November 18 at 19 sa kilalang W Taipei Hotel. Tampok ang mga malalaking pangalan sa industriya ng forex, ito ay naghikayat sa napakaraming bilang ng mga bisita mula sa financial market sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.

Gamit ang pinakamalaking booth sa forum, ipinakilala ng ATFX ang mga propesyonal na serbisyo nito sa lahat ng mga bisita, ang napakahusay na trading platform ng kumpanya, ligtas at siguradong kasanayan sa forex at maraming bilang ng mga nangungunang serbisyo at produkto sa industriya. Kabilang dito ang mahigit 40 na currency pairs, kabilang ang mga major pairs, gaya ng EUR/USD at GBP/USD; mahahalagang metal, gaya ng ginto at pilak; mga madalas i-trade na oil commodities, kabilang ang UK Brent Oil at US WTI Oil; at mga Stock Index sa US, Europa at Asya.

Bilang souvenir para sa mga dumalo, nagbigay ang pangkat ng mga brochure na nagpapakita ng mga bentahe ng ATFX, kabilang ang iba’t-ibang paraan ng pagbabayad, 24/5 customer service at live help, mga pang-edukasyonal na materyales para sa lahat ng lebel at iba’t-ibang mga kundisyon sa pag-trade, kabilang na ngunit di limitado sa 1:200 leverage, MT4 platform na pamantayan sa industriya, walang kumisyon sa mga trading accounts, at halos 100 financial instruments na maaaring i-trade.

“Ang mga investors sa Taiwan ay mas konserbatibo kaysa sa ibang mga bansa sa rehiyon. Nasa ilalim ng impluwensiya ng mga Hapon, ang mga investors sa Taiwan ay nais makatanggap ng maraming edukasyonal na materyales bago mag-trade. Kaya naman ito ang pinagtutuunang pansin ng ATFX sa Taiwan,” sinabi ng Chairman of the Board na si Joe Li. Si Mr. Li ay bahagi ng pangkat sa Taipei na sumalubong sa maraming dumalo at kumatawan sa kumpanya at sa No Dealing Desk (NDD) execution nito.

Habang binibigay ang mga parangal, tinanggap ni Mr. Li sa kabila ng ATFX ang “Best Forex Broker” na parangal, na siyang lubos na nirerespeto sa industriya.

“Bilang bahagi ng aming pagpapalaki sa buong mundo, ang ATFX Taipei ay inilunsad ngayong taon para makapagbigay ng propesyonal na serbisyo sa Taiwan, na isa sa mga pinakamabilis na lumagong market sa Asya-Pasipiko,” kinomento ni Mr. Li. “Ikinararangal ng ATFX na maimbitahan sa Finance Show 2017, at tanggapin ang parangal na ito, salamat sa pagsisikap ng lahat ng mga taga ATFX,” saad niya.

Ang Finance Show 2017 ay may pangkabuuang 18 sesyon, na may mga nangungunang propesyonal na nagbigay ng payo tungkol sa pinakabagong market trends, pag-analisa ng mga bagong balita sa global markets, at mga istratehiya sa pag-trade ng forex.

Read More

ATFX Awarded Best Forex CFDs Broker by UK Forex Awards 2018
ATFX GROWTH ACCELERATES WITH NEW OFFICE LAUNCH IN THE AE
Ini-sponsor ng ATFX ang Finance Magnates London Summit’ 17
ATFX’s Sponsorship of the Duke of Edinburgh Cup, Qualifying Competitions on August 30
ATFX accelerates growth with new office launch in Thailand
ATFX Makes a Successful Debut at Thailand iFinexpo